Wednesday, 16 May 2012

I'm Your Beloved

Written on July 20, 2008 
Published in Friendster blogs

…Your creation, and You love me as I am…

Ito yung isa sa mga kantang hindi ko malilimutan. Paano ba naman kase, di ba ito yung nag-iisang kanta na nagduet tayo sa church? Pinag-second voice pa nga ako ni Ate Bebot tapos ikaw ung main melody…

Iyan din ung kantang pinilit kong ipakanta sayo nung debut ko. di ba escort? =D

Tumawag ako kahapon, akala ko hindi na babalik ung naramdaman ko dati nung umuwi ako. Natatakot ako kasi dati ayoko naman talaga sayo. Di ba? Di ba? Galit na galit ako sa mga taong pinagtutulakan ako sayo. Andami daming nagsasabi na dapat tayo na lang. Naalala mo nung nagpunta tayo ng Mindoro? Alam ko, medyo nasaktan kita nuon kase pinakita ko talaga ung inis at asar ko. Wala akong magawa nuon kase si Ate Jamie at Bro. Arnel laging magkasama tapos si Myla at Jael, so nastuck ako sa iyo. Hindi kita pinapansin sa camp, kunyari hindi kita kilala sa loob ng SAMPUNG ARAW!

Naalala mo rin ba nung nagswimming tayo sa dagat? Di ba nga muntik na tayong malunod?? Di ba? Ang marunong lang lumangoy ay ikaw at saka si Bro. Arnel, natatawa pa ako kase hindi ka pwede lumangoy sa malalim. Pero kahit ganoon pa man, hinawakan mo ako ng mahigpit. Sinigurado mo na hindi ako matatakot kasi nandun ka. Salamat ah.

Nagsisisi ako kasi masama pa ang iginanti ko sayo nuon. Inis na inis ako sa bus pauwi ng Montalban kase magkatabi tayo. Hindi talaga ako nakatulog sa galit kase pinapatulog pa ako ni Bro. Arnel sa balikat mo. Buong biyahe tuloy nakatingin lang ako sa bintana. Sorry ah.

1 Peter 5:7 …He cares for you…

Hindi ko pa rin nalilimutan iyan hanggang ngayon. Naalala ko nung sa Sunday School nung sa bahay pa namin yung church. Kapag si Ate Cynthia nagparecite ng memory verse, iyan lagi ung sinasabi mo. Hindi ka pa tumatayo alam na namin ni Marie ung imememory verse mo. Nakakatuwa.

Naalala ko rin nung una kong nalaman ung sikreto mo. Bata pa tayo nun eh. 3rd year high school yata ako nuon. Nilibre tayo ni Bro. Ritz sa Jollibee…mga bata pa nga tayo, pero un ung unang pagkakataong nagsalita si Marie tungkol sayo. At nagulat ako, dahil hindi ko talaga inasahan. Ikaw na kababata ko. Ikaw na lagi kong inaasar. Ikaw na lagi kong sinasabihan ng problema. Ikaw na nakakaalam ng buong buhay ko. Ikaw!

Naalala ko tuwing magpupunta ka sa bahay para tulungan kami ng Inang ko sa pag-iigib dahil wala si kuya. Kahit ang sungit sungit ni Inang, hindi mo yun ininda kase mabait ka. Kasi alam mo na lola ko siya. Salamat ha.

Naalala ko rin nung bigla ka na lang nawalan ng malay sa church pagkatapos ng service. Lahat ng tao nagpanic kasi bigla ka na lang nahulog sa may puno ng guyabano namin. Halos lahat sila umalalay sayo, natatandaan ko wala akong nagawa kasi nandun ako sa harap ng pintuan namin nakatitig sayo. Parang biglang tumigil ang oras. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko iiwan mo kami…ako

Naalala ko nung naglalakad tayo sa kanto ng Burgos, pupunta yata tayong dalawa ng Maly nun. Kinausap mo ako tapos tinanong mo kung kumusta na kami ni Patrick, sabi ko, "ok lang kame, mahal ko pa rin sya". Sabi mo, "alam ko". Tapos ang tahimik na. Gustong gusto kitang saktan. Hindi ko alam kung bakit.

Andaming memories, kung iisa isahin ko dito mauubusan ako ng space.

Bakit? Bakit ang sama ko sayo? Ngayon nagsisisi ako. Pero huli na. Kasi nararamdaman ko na meron ng iba. Nagkamali ako kasi naging palagay ang loob ko na nandiyan ka lagi kahit ang layo layo mo. Naalala mo ung sulat? Di ba sabi natin papanalangin natin ang isa’t isa? Pero hindi ko naman lagi nasusunod yun kasi andami ko rin naging problema dito.

You deserve better. If there’s one person who deserves to be happy, IKAW YUN. IKAW YUN. IKAW YUN.

Kahapon nung nakausap kita, sinabi mo na hindi pa rin ako nagbabago…natuwa ako kase alam kong positive yun. Sinabi mo rin saken na walang nagbago sayo, tapos biglang tumahimik. Buti na lang ang layo layo ko, kung hindi baka napaiyak na ako sa harap mo sa sobrang pagsisisi ko sa sakit ng loob na binigay ko sa iyo.

Pero, sa lahat ng nangyari, alam kong pinatawad mo na ako kasi…

*taken from my Facebook notes

No comments:

Post a Comment